Home
Magsimula sa Sarili
Trabaho, Trabaho
Negosyo
May Galing Ka
2 Uri ng Puhunan
Salapi, Salapi
Utang, Gastos, atbp.
Maunlad na Isipan
Kahirapan
Hindi Maunlad
Manood ng Video
Kumita
Ibahagi Mo


Negosyo at Serbisyo

Sundan ang Malaking Pangarap -
Magsimula sa Maliit na Paraan.

Alam mo ba...

Na ang minimithing pag-unlad at kasaganaan ay nakasalalay lamang sa iyong kakayahang maglingkod at tumulong sa kapwa?

Paano? Hanapin mo kung paano mapapabuti ang buhay ng kapwa tao sa anumang larangan.

Ano ang pangangailangan nila na maaari mong tugunan? May maitutulong ka ba sa paglutas ng kanilang problema? May magagawa ka bang solusyon upang mapagaan o mabawasan ito? Paano giginhawa ang sitwasyon ng karaniwang tao sa araw-araw na pamumuhay? Ano ang magagawa mo upang mapaganda ang kalagayan at maging maayos at kasiya-siya ang takbo ng buhay para sa marami?

Pansinin mo kung paanong ang lahat ng bagay sa pamilihan ay nagtatangkang tugunan ang mga katanungang ito. Nagpapaligsahan at nagpapagalingan sa pagbibigay ng kasagutan at kalutasan sa pangangailangan ng maraming tao.

Ang malalaking pangalan sa larangan ng negosyo ay pangalan ng mga taong nagbigay ng malaking solusyon sa malalaking problema ng marami. Halimbawa, si Henry Ford ang nagdala ng sasakyang "automobile" sa karaniwang mamamayan sa Amerika at sa buong mundo. Si Bill Gates ang nangunguna ngayun sa pagbibigay sa atin ng kakayahang makipag-ugnayan sa iba't-ibang dako ng daigdig sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa sarili nating bansa nuong dekada '80, si Manny Villar ang nag-isip ng paraan upang magkaroon ng hindi kalakihang piraso ng lupa at sariling tahanan ang karaniwang Pilipino. At marami pang ibang mga pangalan na kilala natin at hindi na babanggitin pa dito.

Hindi iilan ang mga taong pumapasok sa negosyo upang magsamantala o kumita lamang ng pera - makasarili ang kanilang pakay. Maaaring magkamit sila ng tagumpay, nguni't ayon sa ilang pag-aaral, ang higit na nagtatagumpay at nagtatagal ay ang mga mangangalakal na nagbibigay ng tunay na halaga at paglilingkod sa pamilihan at sa mga taong pinagsisilbihan - may pakay o layunin na higit sa pagkita ng salapi lamang.

"Hanapin Mo Muna ang Aking Kaharian
at ang Lahat ay Ibibigay sa Iyo."


Hindi masama ang pumasok sa negosyo at magdala ng produkto o serbisyong pakikinabangan ng marami. Maaaring ito ang maging susi ng iyong tagumpay sa buhay at pananalapi.

Maaari mo itong subukan, bakit nga ba hindi? Magsimula sa maliit na paraan. Pag-aralan ang di kalakihang pangangailangan ng maraming tao sa iyong paligid sa araw-araw. Magsimula sa paraang kaya mong tugunan. Sa pagdaan ng mga araw at pag-angat ng iyong kakayahan, matutugunan mo rin ang higit na malalaking pangangailangan ng marami sa napili mong larangan at sa iba pang larangan.

Maraming pagkakataon upang makatulong at maglingkod sa kapwa. Kailangan lamang na buksan mo ang iyong mga mata at hanapin ito.


Mana, Lotto o... Ikaw?

Ayon sa mga eksperto, tatlo lamang ang paraan upang magkaroon ka ng malaking yaman:

1. Ang tumanggap ka ng malaking MANA

2. Tumama ka sa SWEEPSTAKES o LOTTO; o kaya'y,

3. Lumikha at Maghatid ka sa maraming tao ng isang bagay na KAPAKIPAKINABANG at hindi nila panghihinayangan - sa halip ay
ikasisiya nila - na palitan o suklian ng KATUMBAS NA HALAGA.

Kadalasan, ang dalawang nauuna (mana at lotto) ay dumarating nang hindi inaasahan. Ang malaking yaman ay nakasalalay sa pagkakataon, gayundin sa tinatawag na swerte o magandang palad... kasama na marahil ang iyong panalangin. Ito'y dumarating nang walang katiyakan, sapagkat wala sa sarili mong kamay.

Ang tiyak na yaman ay HINDI nakabase sa Pagkakataon. Ito'y nililikha - at nakakamit sa paraang HINDI bigla o madalian.

Ang malaking yaman ay nagsisimula sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng maraming tao sa iba't-ibang larangan o pamilihan. At ginagawa sa loob ng isang panahon kasama ang sapat na kahandaan, sipag, tiyaga, at isang matibay na paniniwala sa darating na magandang bukas.

Ang tiyak na yaman ay dala ng pagpupunyagi sa kabila ng hirap. At ng kababaang-loob at patuloy na pag-aaral sa kabila ng mga kamalian. Ang masaganang bukas ay nasa sarili mong mga kamay at dumarating sa takdang panahon nang walang alinlangan.

Ang yamang salapi ay natitiyak bilang isang malaking biyaya o gantimpala sa inihahatid mong KAPAKINABANGAN: isang produkto, serbisyo, o proyekto na nag-aangat sa buhay ng maraming tao.

Ang tanong sa iyo, kaibigan, ay ganito: patuloy mo bang itataya ang pag-asa at maliit na puhunan sa pakikipagsapalaran sa isang malaking yaman na walang katiyakan? O ang mga ito'y sadya mong lilikumin at gagamitin sa pagtugon sa pangangailangan ng maraming tao sa alinmang merkado o pamilihan?

Saan mo iaasa ang pag-unlad: sa Mana, sa Lotto, o sa iyong Sarili?

Ang Pagtugon sa Pangangailangan
ng Maraming Tao sa Larangan ng NEGOSYO
ang Pinakatiyak na Paraan upang Magkamit
ng Malaking Yaman.




May Galing Ka, Kabayan!







Negosyo, Negosyo -
Pabalik sa HOME page
PAANO YAYAMAN SI JUAN?



footer for negosyo page