Home
Magsimula sa Sarili
Trabaho, Trabaho
Negosyo
May Galing Ka
2 Uri ng Puhunan
Salapi, Salapi
Utang, Gastos, atbp.
Maunlad na Isipan
Kahirapan
Hindi Maunlad
Manood ng Video
Kumita
Ibahagi Mo

Disiplina


Sinasabing malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng isang maunlad at hindi maunlad na tao. Ito'y makikita sa kanilang pag-uugali, pananaw, at mga gawain - at sa bunga ng mga nabanggit.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pinakamahalagang angkin ng maunlad ay ang kakayahang gawin ang nararapat niyang gawin sa tamang sandali, oras o panahon nang may sariling pagkukusa, at hindi alintana ang kaalwanan sa sarili.

Ang kakayahang ito, na napansing KULANG o WALA sa hindi maunlad, ang tinatawag na DISIPLINA.


Ang Disiplina ang TULAY sa pagitan ng
Hangarin at ng Katuparan nito. - Jim Rohn


"Knowledge is Power" Nga Ba?

Ayon sa kasabihan, ang Kaalaman ay Kapangyarihan. Totoo kaya?

HINDI. Ang tunay na Kapangyarihan ay nanggagaling sa iyong kakayahang KUMILOS at magpatuloy sa iyong mga hakbangin. Walang saysay ang lahat ng kaalaman kung hindi mo ito sasamahan ng masiglang PAGKILOS.

Ang patuloy na pagsasagawa sa mga bagay na nararapat gawin ang tanging paraan upang makamit ang Tagumpay.


4 na Hakbang

Apat na bagay lamang ang kailangan mong matutunan upang maging matagumpay sa anumang balakin:

1. Maging malinaw sa nais mong Patunguhan.

   Ano ang gusto mong makamit, mabuo, o marating? Ano ang
    RESULTA na gusto mong makita?


2. KUMILOS. Ngayun na... Hindi bukas.

   Gawin agad sa araw ding ito ang Unang hakbang - gaano man
   Kaliit - tungo sa Katuparan ng iyong hangarin. Bukas, at sa
   bawat araw na susunod, gawin ang iba pang hakbang na
   kailangang gawin upang magtagumpay.


3. Punahin at pansinin kung EPEKTIBO ang iyong ginagawa.

   Bawat hakbang sa bawat araw ay nararapat magdala sa iyo
   Papalapit sa ninanais na Bunga.


4. Maging bukas sa PAGBABAGO.

   Kung hindi nagkakabisa ang iyong ginagawa, baguhin ang    Pamamaraan. Masusing pag-aralan ang anumang pagkakamali
   at gawin ang nararapat


Gawing Halimbawa ang mga Taong Nagtagumpay Na.

Magiging mas madali ang pagsasakatuparan sa iyong plano o balakin kung matututo ka sa mga taong naabot na ang nais mong maabot at nagawa na ang nais mong gawin. PAG-ARALAN ang kanilang ginawa. Ano ang maaari mong matutunan sa kanilang pag-uugali at pamamaraan? Paano sila nakarating sa kanilang kinaroroonan... at nais mong patunguhan?

Magbasa, makinig, at patuloy na mag-aral. At higit sa lahat, isagawa ang natututuhan.


Ang Langgam

Maliit na nilalang... malaking determinasyon. 'Yan ang langgam. Walang anumang balakid ang hindi kayang lampasan marating lamang ang patutunguhan.

Subukan mong lagyan ng harang ang kanyang dadaanan at ang langgam ay aakyat sa ibabaw. Lagyan mo ng malaking balakid sa harapan at pilit itong maghahanap ng tatawiran - sa kaliwa... sa kanan... maging sa ilalim.

Kaibigan...

Kung may nais kang maabot o marating, may sigasig at determinasyon ka bang tulad ng sa langgam?


Ay, Mali!

Ang magkamali at mabigo, sa anumang bagay o hangarin, ay masasabing likas sa bawat tao. Ito'y nag-uugat sa marami niyang limitasyon. Sa kawalan niya ng lubusang kaalaman, kahusayan, at karunungan sa maraming bagay.

Ang isang pagkakamali ay maaaring magdulot ng malaking panghihinayang, kahihiyan o kalungkutan, nguni't hindi dapat tumigil o matapos ang lahat nang dahil dito.

Sa bawat pagkakamali at pagkabigo, ano ang nararapat mong gawin?

    1. Kilalanin ang Pagkakamali,
    2. Hanapin ang Sanhi,
    3. Gumawa ng kailangang Pagtatama,
    4. Humingi ng Paumanhin kung kinakailangan,
        at higit sa lahat,
    5. MATUTO... dalhin sa kinabukasan ang ibinibigay nitong
        mabuting aral.

Kaibigan,

Alam mo bang ang bawat pagkakamali at pagkabigo ay isang magandang pagkakataon upang maiangat at mapagyaman ang iyong Sarili? Ito'y isang pangyayari na nagbibigay sa iyo ng bagong kaalaman, kakayahan, at karunungan. At nagbubukas ng panibagong daan tungo sa hinahangad mong tagumpay.

Isang marunong na tao ang nagsabi, na ang pagkakamali ay nagiging isang trahedya lamang kung hindi ka matututo sa iyong karanasan. Kung hindi mo gagawing puhunan sa hinaharap ang iniiwan nitong magandang aral... Kung ito ay magpapatuloy at magiging isang paulit-ulit na kaganapan.

Sa bawat pagkakamali, tumayo at magsimulang muli. Tanggapin ang mabuting aral na itinuturo nito.

Tandaan, ang pagkakamali ay HINDI isang trahedya na dapat mong iyakan, o sukuan. Ito'y isang karanasan na nagbabahagi ng mahalagang aral... isang mabuting Guro na nararapat mong pakinggan at pasalamatan.



Manuod ng Video
Si Warren, Bill, at Melinda

Magbahagi ng Opinyon o Pananaw

Maunlad na Isipan
Papunta sa Magsimula sa Sarili
Papunta sa Kahirapan

Pabalik sa Home page
PAANO YAYAMAN SI JUAN?



footer for maunlad page