Home
Magsimula sa Sarili
Trabaho, Trabaho
Negosyo
May Galing Ka
2 Uri ng Puhunan
Salapi, Salapi
Utang, Gastos, atbp.
Maunlad na Isipan
Kahirapan
Hindi Maunlad
Manood ng Video
Kumita
Ibahagi Mo


Kumita
sa Kaunting Puhunan


Wala ka bang trabaho?

LUMIKHA ng sariling pagkakakitaan.
Hindi dahilan ang kawalan ng trabaho upang manatili sa kagipitan.

KULANG Ang IYONG KINIKITA?
LUMIKHA NG DAGDAG NA PAGKAKAKITAAN.

Kung talagang gusto mong kumita ng anumang halaga, maaari kang magsimula sa maraming bagay sa iyong paligid.


Puhunang Sipag at Tiyaga

Halimbawa, ang Internet at Kompyuter... May "access" ka naman sa mga ito, hindi ba?

Maaari kang kumita dito kahit paano... WALA ka mang Sariling

      1. Produkto
      2. Negosyo
      3. o, Puhunan

                       P A A N O ?

May ilang paraan upang kumita sa internet nang walang puhunan.
Makikita sa ibaba ang isang paraan na sa simula mo lamang paghihirapan - at pagkatapos ay maaaring magbigay sa iyo ng patuloy na kita nang walang masyadong abala sa araw-araw.

Wala ka mang sariling produkto, negosyo, at puhunan, maaari mong isulong ang ibang produkto at negosyo sa internet bilang isang Affiliate Marketer. Hindi mo kailangan ang natatanging galing para kumita dito - kaunting Panahon at Sipag lamang ang magiging puhunan mo.

  1. Unang-una, alamin kung paano ito ginagawa at kung paano
    magtatagumpay sa gawaing ito.

    Pag-aralan ang Affiliate Masters' Course, isang kumpletong pagsasanay. Mahalagang basahin at kabisahin mo ito. (Hanapin
    ang larawan ng librong makikita sa ibaba ng "webpage" at i-"click" ang katabing link upang mabasa ang kurso.. o kaya'y i"right-click" upang mai-"save" ang kopya nito sa iyong kompyuter.)

  2. Kung kailangan mong magbuo ng isang "website" o "blog" para
    dito, may matatagpuan kang mga serbisyong walang bayad sa
    internet upang ito'y magawa. Hindi mo kailangang gumastos ng
    anumang pera.

    Nangunguna sa mga walang bayad na serbisyo para madaling makabuo ng isang "blog" ang serbisyong Blogger. Kayang kaya
    mo itong gawin - sundan mo lang ang "step by step" na pamamaraang ituturo nila sa iyo.


Totoong Negosyo

Kung ang gusto mo naman ay isang totoong negosyo sa Internet,
kung saan maaari kang lumikha ng sarili mong produkto o serbisyo na
iaalok sa mga mamimili, at kung saan maaari kang magkaroon ng higit
na malaki at matatag na Kita na maaasahan sa matagal na panahon,
maaari kang magbuo ng sarili mong Internet Business.

Paano ka magsisimula?

Maaari mong gawing negosyo sa internet ang isang bagay na alam mo na at hindi na bago sa iyo, dala ng iyong hilig o karanasan. Isang bagay na ikinasisiya mong gawin sa araw-araw (at wika nga'y kukusain mong gawin nang walang kabayaran - tulad ng pagluluto, paghahalaman, paglikha ng musika, atbp).

Natural lamang, tulad sa ibang negosyo, mangangailangan ka dito ng kaunting puhunan. Kung kaya mo ang puhunang P1,500 isang buwan (o mas mababa pa, depende sa umiiral na palitan at halaga ng piso) - o wala pang P15,000 sa kabuuan - irerekomenda ko sa iyo ang SBI (Site Build It) upang makapagsimula ka ng isang maunlad na internet business.

Ang SBI ay nagbibigay ng kumpletong serbisyo at mga kasangkapang magagamit mo, HINDI upang makabuo lamang ng isang website (marami nang serbisyo ang gumagawa nito), kundi para makabuo ka ng isang TOTOONG NEGOSYO sa internet - wala ka mang naiintindihan sa "online selling" (pagtitinda sa internet) at mga teknikal na bagay tulad ng "search engine optimization," "website design" at mga lenguaheng "html," "javascript," "asp," at kung anu-ano pa.

Mula sa Preparasyon kaugnay sa magiging Tema ng iyong Website,
pati ang Pagsasaliksik sa "demand and supply" ng Produkto o Serbisyong iaalok mo sa iyong mga mamimili (at ang "Profitability" o kakayahan nitong kumita), hanggang sa wastong pagpili at pagrerehistro ng pangalan na gagamitin mo sa iyong "web business"... at Pagbubuo ng iyong website sa wastong paraan upang matagpuan at magustuhan ka ng tinatarget mong mga parokyano... hanggang sa pagmo-"monitor" sa nangyayari sa iyong Negosyo, at mga paraan kung Paano magpapatuloy ang Pag-unlad nito: lahat ay ituturo nila sa iyo. Aakayin at gagabayan ka nila, gamit ang mga makabagong kasangkapan sa internet, upang maging matagumpay ang iyong Internet business.

Panoorin mo ang Video na ito upang malinawan mo ang gusto kong sabihin... o kaya ay pumasyal ka sa websayt na ito para sa karagdagang impormasyon.

Tradisyonal na Negosyo

Kung ang napupusuan mo naman ay isang tradisyonal na negosyo sa totoong mundo - isang negosyong talagang nakikita at nahahawakan mo, tulad ng isang pagawaan, tindahan, atbp. - maaari kang magsimula dito para sa mga impormasyon na kakailanganin mo.

Ang GoNegosyo ay maraming kabalikat na mga ahensya, eksperto, at
mga enterprenur na nagbibigay ng tulong, payo at pagtuturo kaugnay sa pagsisimula at pagpapalago ng isang negosyo. Gamitin mo ang iba't-ibang mga pagkakataong ibinibigay nila upang magtagumpay sa binabalak mong proyekto.

*******

Bago pa man magsimula, marahil ay nanaisin mong malaman kung ano
ang mga kakayahang madadala o magagamit mo sa bisnes na binabalak mo. Ito'y mahalaga upang matiyak ang tagumpay at maiwasan ang pagkasayang ng iyong oras at salaping puhunan. Maaari mong timbangin ang iyong mga lakas at kahinaan sa pagpapatakbo ng isang tradisyonal na negosyo sa pamamagitan ng Survey Questionaire na ito.




Kumita at Dagdagan ang Kita
,,, Pabalik sa Home Page
Paano Yayaman si Juan?


footer for kumita page