Paano Yayaman si Juan?
Si Juan ay isang karaniwang Pilipino. Pangarap niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak at ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Pangarap niya ang makaahon sa kahirapan - ang makaalpas sa kakapusan sa buhay na dinaranas niya ngayun.
Paano nga ba uunlad at gaganda ang buhay para kay Juan?
**********
May pag-asa bang magbago ang buhay ni Juan?
At matatagpuan ba sa sariling bayan ang hinahanap niyang pag-unlad? Marami ang nagsasabi, "Wala kang pag-asang umasenso sa Pilipinas. Kailangan mong mangibang bansa.. mag-'abroad.'"
Totoo kaya?
Nasa ibayong dagat nga ba ang magandang bukas?
Bakit may mga Pinoy na nanggaling na sa ibang bansa, mga OFW mula sa Taiwan, Singapore, Saudi Arabia, UK, UAE, at kung saan saan pa, na parang hindi nagbago ang buhay sa kanilang pagbabalik?
**********
Paano nga ba umunlad, at patuloy na umuunlad, ang mga taong nakaaangat? Bakit patuloy na naghihirap ang mahirap?
Ang kasagutan ba sa kahirapan ay nasa isang magandang trabaho at malaking sweldo? Ito ba ang dapat hanapin?
Ang solusyon nga ba sa problema ni Juan ay salapi. Maraming salapi?
**********
Magandang Araw, Kabayan!
Tuloy kayo sa aming munting paaralan.
Nilalayun po ng ating "website" ang makapagbigay ng liwanag tungo sa katuparan ng pangarap ni Juan. Ito'y masasabing isang proyektong hindi pa tapos at nagpapatuloy pa rin.
Malugod namin kayong inaanyayahang makibahagi sa pagbuo nito. Kung mayroon kayong komento, opinyon, o pananaw na nais itala tungkol sa anumang paksang tinatalakay natin, maaari ninyo itong ibahagi. May matatagpuan po kayong "Form" sa huling bahagi ng ating websayt na maaari ninyong gamitin para sa anumang nais ninyong ipahayag.
Marami pong salamat
N I L A L A M A N
Ang Pag-Unlad ay Nagsisimula sa Sarili Kung gusto mong umangat sa buhay, ang unang-unang dapat mong iangat ay ang iyong sarili.
|
Trabaho Sa pagtatapos at pagkakaroon ng trabaho, giginhawa na nga ba ang buhay? Paano gagawing pasaporte ang trabaho tungo sa pag-unlad?
|
Negosyo Ang negosyo ay isang pagtugon sa pangangailangan ng maraming tao sa isang pamilihan. Ito ang pinakatiyak na paraan upang magkamit ng yaman.
|
May Galing Ka May natatangi kang galing o husay na maaaring dalhin sa merkado. Kung maibabahagi sa maraming tao, ito'y magiging tiyak na daan sa pag-unlad.
|
2 Uri ng Puhunan Wala daw pag-asang umangat ang mahirap sapagkat kulang sa salaping puhunan. At patuloy na umuunlad ang mayaman sapagkat maraming salaping nagagamit. Puhunang salapi nga ba ang pinakamahalaga?
|
Salapi, Salapi Ano ang dapat mong gawin sa napapasakamay na salapi? Baguhin ang pananaw at iangat ang karunungan sa larangan ng pananalapi.
|
Sahod, Gastos, Utang, Pag-iimpok, atbp. Ang sahod, gastos, utang, at mga bagay na binibili ay maaaring makatulong o maging sagabal sa iyong pag-unlad. Kailan nagiging mabuti o masama ang bawat isa?
|
Maunlad na Isipan Ang pagiging maunlad o hindi maunlad ay wala sa salaping dumarating o hindi dumarating sa iyong palad. Ito'y nasa sariling Kaisipan.
|
Kahirapan Ang kahirapan ba ninuman ay dala ng kapabayaan at kasakiman ng nasa pamahalaan at ilang may kaya sa buhay? Dapat ba silang sisihin sa kahirapan at kakapusan ng marami?
|
Manood ng Video Manood ng mga video na nagbibigay liwanag sa iba't-ibang mga paksang tinatalakay natin.
|
Kumita Gusto mo bang kumita o madagdagan ang kinikita? Sa kasalukuyang panahon, ano ang pinakamagandang pagkakitaan o uri ng negosyo na maaari mong pasukin sa maliit na puhunan?
|
Ibahagi Mo, Kabayan May tanong ka bang nais mabigyan ng linaw? O kasagutan sa tanong ng ating mga kababayan? Ibahagi ang iyong tanong, opinyon, o pananaw kaugnay ng mga paksang nabasa sa ating websayt.
|

|